Friday, 1 February 2013

10K Run @ D.O.T.S Fun Run 2013

Ang una kong takbo para sa Year 2013. Noong December 2012 pa sana itong takbong ito kaya lang dahil sa desisyon ng management ay nilipat nila ito ng ibang araw hanggang sa umabot ng January 2013.





anyway okay lang naman sa akin... Masasabi kong mahirap ang takbong ito sa akin sapagkat 2 weeks na din akong hindi nakakapag-jogging... dala na rin siguro ng pagkakasakit ko, pero masaya naman ako na kahit papaano ay nakarecover na ako.


Wala naman akong gaanong inaasahan sa takbong ito... simple lang sya. kasi nga Fun Run nga lang at sa halagang 300.00pesos ay may singlet na ako at makakatakbo pa ako ng 10K dito sa Munisipyo ng BiƱan, Laguna. Madalas na talaga akong dumadaan dito kung saan makikita ang Jubilation isang subdivision ng mga bahay, papunta sa aking trabaho at napansin ko nga na masarap tumakbo dito... kaya yun siguro ang dahilan kaya ako sumali dito.





Nitong mga nakaraang mga araw ay hindi naging maganda ang mga panahon buti na lang ngayon okay ang panahon... At muli nga akong nakabalik sa aking Pagtakbo... kahit medyo hingal ako dahil sa 2 weeks ng di nakakatakbo ay nakakaramdam ako ng kaligayahan every time tutulo na yung mga pawis ko. ang sarap talagang tumakbo at syempre hindi pwedeng mawala ang aking partner... ang camera ko! Hindi ko yata ma-imagine ang sarili ko na walang dalang camera habang tumatakbo... hehehe pasensya na addict lang sa picture!



Pagdating sa finish line ay binigyan kami ng lootbag na may laman na wafer, mineral water, shanghai rolls galing sa Jollibee at Discount sa Jollibee. Sulit ang 300pesos ko! at masaya akong sabihin na nag 1st place sa 10K Run yung nakasabay kong tumakbo sa Sorsogon's 1st Busaingan Run 2012 si kuya... kainis nakalimutan ko yung pangalan nya. hehehe. anyway tingin ko magkikita pa kami sa ibang run. Idol ko yun eh! galing nya., napaka simpleng tao walang yabang sa sarili.^_^



Tulad ng mga iba kong takbo... masaya akong dumating sa finish line. Yun ang pinaka mahalaga sa akin! di bale nang di ako yung nauna, Matagal ko ng alam na mabagal ako! pero ang ma-appreciate ang lugar na aking nadaanan at natakbuhan yun ang pinaka mahalaga sa akin. Ikaw runner ka din ba??? ako nga pala si Nani Wall^_^

No comments:

Post a Comment