Isa sa mga pinaka-gusto ko as being a runner ay yung chance na makapunta ako sa mga malalayong lugar para tumakbo at makita ang magagandang tanawin nito tulad ng ilan sa mga takbo ko noong year2012 sa Sta.Magdalena, Sorsogon 21K Trail and Beach Run at sa Silay City, Negros Occidental 42K Run. At ngayon daragdag na naman ito sa mga hindi ko malilimutang karanasan ang tumakbo sa Laoag City, Ilocos Norte 42K Run.
Ang byahe mula Manila papuntang Laoag City ay umaabot sa 12hrs na oras sakay ng bus. Kahit malayo ay nandun yung excitement na nararamdaman ko dahil sa wakas makakapunta na rin ako sa Ilocos Region. 6:30am umalis ang bus namin sa Manila at 7:30pm na kami nakarating sa Laoag City. Pagdating ay agad akong nagtungo sa munisipyo ng Laoag upang kunin ang aking racekit at doon ay nagkita na rin kami ni sir.Faivo (sya yung contact person ko sa pag-punta sa Laoag at isa sya sa mga organizer ng Laoag Marathon 2013) May nakilala rin akong mga runners na taga-Ilocos sila Brian at Ken, sinamahan nila ako humanap ng hotel na matutuluyan, pinakilala din nila ako sa iba pang mga kaibigan nilang runners at isa dito si Jhonley na isa sa mga pinakamabibilis. Masaya akong makilala silang lahat dahil napaka-friendly nila kaya hindi ko naramdaman na solo lang pala akong nagpunta sa Laoag City.
Ang Laoag Marathon 2013 and ika-2nd 42K Run ko, to be honest nandun pa rin ako sa point na hirap akong tumakbo ng 42K Run unlike sa 21K Run na nakasanayan ko na pero gusto ko lang sanayin yung katawan ko sa mga ganung kalalayo. 3:30am nag-umpisa na kaming tumakbo sa first part ng 21K Run ko satisfied pa ako sa takbo ko though madilim yung mga dinadaanan namin so medyo yun yung naging challenged sa akin. 2nd part ng 21K Run ko papuntang sand dunes, doon na ako medyo bumagal hanggang sa point na mas madaming lakad na ako at konting takbo. Doon kasi sa sand dunes may mga part na pa-uphill at downhill eh medyo nahihirapan na yung binti ko at maging ang pag-hinga ko lalo na kapag itinatakbo ko and ayokong masyadong i-pressure ang sarili ko, masyadong napaka-ganda ng tanawin kung bibilisan kong matapos. Kaya naman mas binagalan ko at mas lalo kong na-appreciate ang lugar... Ang ganda talaga! hindi sya common na nakikita ng mga mata ko. Buhangin dito, buhangin doon at buhangin everywhere... disyerto nga!
Napaka-swerte ng Laoag City sa pagkakaroon ng sand dunes na paboritong puntahan ng mga turista at paborito ring kuhanan ng eksena para sa isang pelikula tulad ng Himala, Ang Panday, Temptation Island at marami pang iba. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nakatapak ang aking mga paa sa mga buhangin nito. Very nice ang mga runners na nakasabay ko sa sand dunes, pinipicturan nila ako gamit ang camera ko para daw may souvenir ako. Infairness napaka-dami ring photographer doon kaya marami rin akong kuha doon. Isa din sa gusto ko dun ay yung part na binigyan kami ng ice cream while walking sa beach sa gilid ng sand dunes... feel na feel ko yung ice cream ang init kasi eh.
Sa kabuuan, inabot ang 42K Run ko ng 6hrs 51minutes and 9seconds. Masyadong mabagal diba? pero ang mahalaga sa akin, sobra naman akong nag-enjoy sa takbo ko dito sa Laoag Marathon 2013. Pagdating sa finish line natanggap ko ang 2nd medal ko para sa 42K Run ko at meron pa sanang kasamang 42K finisher shirt kaya lang naubusan na ako pero nangako naman silang ipapadala na lang daw sa address ko pag meron na.