Sunday, 30 December 2012

Takbo 2012

Isa sa mga pinaka-masayang nangyari sa akin sa year 2012 ay nang mag-umpisa akong sumali sa mga takbuhan tulad ng Fun Run at Trail Challenge. Matagal ko ng gustong sumali sa mga takbuhan sapagkat gusto ko ding masubukan kung anu ba ang pakiramdam ng tumatakbo at bakit madaming mga taong gustong-gusto nito. 

Nang masubukan ko ang tumakbo dun ko nalaman na sobrang hirap pala nya! lalong lalo na pag nag-uumpisa ka pa lang nito. Ang hirap huminga!(hinahabol ko ang paghinga ko), masakit sa paa, binti, legs at maging sa singit, nakakaitim pa ng balat! hehehe kasi babad sa init ng araw, super daming pawis! at higit sa lahat sobrang nakakapagod!

Pero alam mo kahit ganun... sobrang nagustuhan ko sya... ang sarap ng feeling na after mong maramdaman na para ka ng susuko, at sinasabi ng sarili ko na Stop na! Pero alam mo yung tiniis ko yun lahat, at nang makita ko na yung Finish Line,,, super saya! parang naiiyak na ko. Kaya ko din pala! huhuhu. 

Well, para sa akin (na isang lakwatcherong kaibigan) hindi ko masyadong sineseryoso ang pagtakbo, sapat na sa akin na makaabot sa Finish Line at maka-abot sa sinasabi nilang cut-off time, sa ganung paraan masaya na ako nun. Na-realize ko kasi sa mga sunod-sunod kong pagsali sa mga takbuhan na hindi talaga ako pangkarera mabagal talaga ako, pero masaya akong sabihin na kayang tiisin ng aking mga paa ang mga malalayong distansya. And for me pinaka goal ko sa pagtakbo ay hindi lang ang makaabot sa Finish Line kundi ang ma-enjoy ang mga magagandang view na aking nadadaanan habang tumatakbo.

Narito ang mga running event na aking nasalihan sa taong 2012

5K Run sa Silakbo 2012 for the Santa Rosa Watershed
-ito ang 1st Fun Run ko 5K, dito ko na realize na masaya pa lang tumakbo and gusto ko pa lalong sumali sa mga takbuhan.


21K Run sa Clean Air Run 2012
-ang aking 1st Half Marathon... dahil mas gusto kong ma-challenge sinubukan ko ang 21K Run. Sobrang naging mahirap sa akin ang takbong ito sapagkat dun ko na realize na hindi pala dapat ako kakain ng breakfast kapag may takbo ako kasi sumasakit ang tagiliran ng tiyan ko na naging sanhi ng muntik ko ng di matapos ang takbo ko. Pero ayun kinaya ko sya! after ng takbong ito, 5days akong hindi makalakad ng maayos dahil na-nanakit ang singit, binti at paa ko.


25K Run sa 2nd Valley Trail Challenge
-tulad ng Clean Air Run... isang mahirap na takbo din ang naranasan ko dito, 1st Trail Run ko kasi ito madalas ang takbo dito ay sa mga lupa at kadalasan  maputik pa. Na-enjoy ko sya lalo na nung umabot ako sa sinasabi nilang "little New Zealand" para ka talagang nasa New Zealand sa loob ng Nuvali. 


21K Run sa 1st Busaingan Adventure Run
- Dahil isa rin akong lakwatcherong kaibigan, sumali ako sa patakbo ng bayan ng Sta.Magdalena, Sorsogon kahit alam kong malayo ito sapagkat gusto ko din makapasyal sa malalayong lugar tulad nito. Masasabi kong ito ang pinaka mahirap na aking natakbuhan, siguro dahil sa mga ginawa namin dito tulad ng pagdaan sa ilog, bukid, beach at maging ang pag-akyat sa pinaka-mataas ni lang bundok ang Mt. Maraot Banwa. Astig talaga nito! At sobrang maalaga ng mga taong bumubuo ng patakbong ito.


7K Run sa Laguna Technopark Fun Run
-dahil dito ako nagwowork... napili ako ng company ko na sumali dito bilang representative. Okay naman nag-enjoy ako with support ng mga co-workers ko.


15K Run sa Ala eh! Takbo Competition sa Paliparan
-ang aking takbo sa Paliparan ng Lipa, Batangas. Okay sya! masaya at nakatakbo ako dito nakakita pa tuloy ako ng mga sasakyang panghimpapawid at nakita ko pa si Gov. Vilma Santos


16K Run sa Makiling Challenge 11
-ang aking takbo sa UP Los BaƱos. Masaya din ang takbo ko dito at may mga part na pa-ascending ang takbo namin.


42K Run sa Mt.Patag Eco Adventure Endurance Trail Challenge 2012
-dahil sa mas gusto ko pang i-challenge ang sarili ko, nagdecide akong sumali sa patakbo ng Silay City, Negros Occidental. Sobrang pinag-ipunan ko sya at pinaghandaan at dahil na rin sa tulong ng katrabaho ko na si Ma'am Mishiell ay natuloy ako dito. Ito ang aking 1st Full Marathon. tulad ng iba kong mga takbo ay nahirapan din ako dito dahil sa layo nito ay agad akong nanghina at muntik ng di matapos ang aking takbo dahil sa sobrang gutom. kaya naman huminto ako sandali sa tindahan para bumili at kumain ng light food para makabawi ng lakas after nito ay muli kong narealize na hindi pa tapos ang laban ko at hindi ako susuko! mga 7hrs ng aking takbo at lakad ay nakaabot din ako sa Finish Line! ayun oh! super saya^_^



Sobrang naging masaya ang aking 2012 lalo na nung pumasok ako sa mundo ng Pagtakbo! at hanggang ngayon naeexcite ako sa kung anu pang mga takbo ang aking sasalihan sa year2013.

Wednesday, 26 December 2012

5 Years in YouTube - Ernani Dingding Channel

                           November 30, 2007 noong gumawa ako ng aking sariling channel sa Youtube ito ay ang... Ernani Dingding Channel. That time ginagamit ko lang sya kapag may gusto akong i-comment sa isang video at isini-save ang mga favorite video ko sa aking channel. Diko akalain na ako rin mismo pala ay makakapag-upload ng sarili kong mga video. 

Nag start ako sa pagvivideo sa aking Digicam, nagustuhan ko ito dahil na rin siguro sa natutuwa akong makita ang aking mukha sa computer especially sa Youtube. Nagvivideo ako ng mga nangyayari sa aking buhay (about sa mga pet ko, mga friends ko, family, pati na rin sa mga lugar na aking napupuntahan at maging mga paborito kong mga artista halos lahat ng sa tingin ko ay interesting.) Hanggang sa bumili na rin ako ng videocam ko na medyo mura lang para sa mas malinaw itong mapanuod sa Youtube channel ko. At ngayon dalawa na ang videocam ko. (thanks sa nanay ko!) 

Noong college ako naging aktibo ako sa pag-uupload ng maraming videos, mula 1, 3, 5, 20, 50, 100, 300, 500, 800 hanggang sa umabot ng 1000plus ang mga na-upload kong videos. Kahit ako di makapaniwala na makakapag-upload ng ganun karami, pero sadyang gusto ko lang talaga yung ginagawa ko at masaya ako.

Hindi tulad ng ibang Youtube Channel, hindi ako pinalad na makakuha ng maraming Audience na matyagang nanunuod ng aking mga videos pero okay lang naman, masaya na akong malaman na kahit papaano ay may mga taong nagkaka-interes na panuorin ang mga videos ko especially yung mga videos ng mga paborito nilang artista na inupload ko sa aking channel.

                        Ngayon proud akong sabihin na 5years na ang YouTube channel ko ang... Ernani Dingding Channel until now hindi pa rin ako nagsasawa sa pag-upload although minsan na lang ako makapagvideo kasi may work na ako, pero pag may free time nagvivideo ako ng mga artista or maging mga nangyayari sa akin ngayon.


Narito ang aking Top10 most watched videos sa aking Ernani Dingding Channel as of December 27, 2012

Top10: 
Ernani Dingding -923 MY CACTUS HEART @ SM BICUTAN  =3,050views
=Wala syang sound... pero pasok sya sa aking top10, marahil madami lang talagang fans si Majah Salvador, Xian Lim & Matteo Guidicelli.



Top9:
Ernani Dingding -327 STARSTRUCK 5 "FASHION SHOW" @ TRINOMA =3,143views
=Fashion show ng Starstruck 5 sa Trinoma mukhang nagustuhan ito ng kanilang mga fans.

Top8:
Ernani Dingding -254 Robert "Buboy" Villar  =3,232views
=Pasko sa top8 ang video ni Buboy para sa promotion ng Ang Panday

Top7:
Ernani Dingding -253 Robert "Buboy" Villar    =3553views
=Pasok din sa top7 ang another video ni Buboy... mukhang may mga follower talaga sya na nanunuod ng mga videos nya.

Top6:
Ernani Dingding -873 WON'T LAST A DAY WITHOUT YOU MALL TOUR =3,921views
= Ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo ang aking top6. First time ko lang sya navideo-han pero masasabi kong madami talaga syang fans. Ang ganda ng boses nya live!

Top5:
Ernani Dingding -448 BARBIE FORTEZA @ SM VALENZUELA =4,420views
= Ang napaka-gandang si Barbie Forteza ang aking top5. madaming nanuod ng video ko sa kanya dahil sa napaka-sweet na pag-awit nya sa Kiss Me

Top4:
Ernani Dingding -874 WON"T LAST A DAY WITHOUT YOU MALL TOUR  =4,722views
= Mall tour ni Ms.Sarah Geronimo sa SM Novaliches ang aking top4. maraming fans ni Sarah ang nakapanuod ng video ko sa kanya.


Top3:
Ernani Dingding -353 "43rd OLFU FOUNDATION ANNIVERSARY" BOYS 2010 =4,943views
=ito lang yung video ko na pumasok sa top10 na hindi artista. Sayaw ito ng mga schoolmate ko para sa Foundation Day ng school namin. Happy ako at marami ding nakapanuod nito.

Top2:
Ernani Dingding -544 Survivor Philippines: Celebrity Showdown GRAND FANS DAY =5,319views
=Survivor Grand Fan's Day sa SM North Edsa, pinalad ako na isa ako sa mga nakapag-video nito, at maraming nanuod nito sa aking channel.

Top1:
Ernani Dingding -43 EDGAR ALLAN GUZMAN   =12,470views
=At ang nakakuha ng most watched video ko ay ang Mall Show ni Edgar Allan Guzman kasama ang SEXBOMB sa Grand Central Caloocan. Kung titingnan mo wala namang something extra ordinary dito pero madami talaga at patuloy na dumadami ang nanunuod ng kanyang video dito sa channel ko. Congrats!



                Maraming Salamat sa lahat ng mga nanuod ng aking mga inupload na videos sa aking Ernani Dingding Channel. Asahan nyo na marami pa akong iuupload na video sa mga susunod pang mga taon.