Tuesday, 20 November 2012

Splash Island Experience



Noong bata pa ako, isa sa mga hindi pwedeng hindi mapansin ng aking mga mata kapag dumadaan kami sa SLEX ay ang mataas na padulasan ng Splash Island. Kaya naman simula noon ay pinangarap ko ng makapunta dun, for me mataas ang tingin ko sa Splash Island kasi sya ang pinaka-malaking Waterpark dito sa Pilipinas. Kaya nang imbitahan ako ng aking ka-trabaho na sumama ay mabilis na oo ang nasabi ko, sobrang na excite lang ako at sa wakas makakapunta na din ako.



6am nagkita na kami ng mga ka-trabaho ko dito sa bandang Biñan, Laguna. By 7:30am nandun na kami sa labas ng Splash Island, matatagpuan ito sa Southwoods Ecocentrum, Biñan, Laguna.






Kung mang-gagaling kayo sa Metro Manila, sakay kayo ng Bus na papuntang Pacita, Pag nandun na kayo maghired kayo ng Tricycle papunta sa Splash Island, Php120.00 sa bawat tatlong taong sasakay. (based lang po ito sa experience namin.) 8am pa nagbubukas sa publiko ang Splash Island, Php500.00 ang entrance nito at nagsasara ito ng 6pm. Bawal din ang pagdadala ng mga pagkain, doon na lang daw bibili kaya expect nyo na medyo may kamahalan.



Syempre dahil medyo maaga pa ay nagpicturan to the max muna kami ng mga kasama ko, at pagdating ng 8am... ayun nakapasok na din sa loob... ayun oh ang laki ng tawa ko^_^ 




Balsa River, ang una naming inenjoy... sakay ng salbabida (lifebuoy) ay sumasabay kami sa daloy ng tubig. 



Agos Grandes, kakaibang pool na may malaking alon para ka talagang sa nasa isang beach. Ang laki ng alon sa bandang gitna kaya halos natatangay ako, natanggal pa tuloy yung eyeglass ko, buti na lang nakita ng ka-trabaho ko.



Tausug Trails, dalawang magkadikit na salbabida, isa sa harap at yung isa sa likod. nakakaaliw dahil sa mga paliko-likong padulasan.



Big Bamboo, dalawang magkadikit na salbabida din sya, para sa akin mas challenging ito kumpara sa Tausug Trails, may biglang gulat kasi ito... saya!



Rio Montañosa, nasa pinaka mataas na parte ito, hanggang apat ang pwede sumakay. Masaya din ito dahil medyo mataas ang pang-gagalingan nito, para syang Rio Grande ng Enchanted Kingdom.



King Pilipit, dito kailangan magtanggal ng t'shirt, sya lang yung padulasan na di na ginagamitan ng salbabida oh ng kung anu pa man, as in magpapadulas ka sa malakawayan na padulasan. medyo challenging sya.


Magellan's Drop, siguro ito yung masasabi kong pinaka-enjoy sa lahat. magpapadulas ka ng nakadapa sa isang mahabang gawa sa goma (diko alam ang tawag eh!) mula sa mataas na parte, pababa



Sa kabuuan sobrang inenjoy namin sya at paulit-ulit naming sinubukan ang mga attraction dito sa Splash Island. Sobrang masaya kaming lahat ng ka-trabaho ko. At ayun natupad din sa wakas ang minsang pinangarap ko na sana makapunta din ako sa Splash Island. 4pm umuwi na kami ng mga katrabaho ko, umuwi kaming may mga ngiti sa aming labi. Thanks Splash Island^_^












Thursday, 15 November 2012

First ko

Hi! goodeve... dito pa sa office, naghihintay dumating ang ilang minuto para mag 6pm na at uwian na... hehehe. Dito ko na sa office ginagawa ang blog na ito. hehehe, medyo bored kasi!

Matagal ko ng gustong magblog, kaya lang hindi ako kasing galing ng iba eh. Gusto ko lang sana mag-share ng lahat ng nangyayari sa aking paligid.

kaya samahan nyo ako sa mga darating kong mga adventure^_^

Oh panu uwian na namin... see yah!