Saturday, 18 May 2013

Laoag Marathon 2013


Isa sa mga pinaka-gusto ko as being a runner ay yung chance na makapunta ako sa mga malalayong lugar para tumakbo at makita ang magagandang tanawin nito tulad ng ilan sa mga takbo ko noong year2012 sa Sta.Magdalena, Sorsogon 21K Trail and Beach Run at sa Silay City, Negros Occidental 42K Run. At ngayon daragdag na naman ito sa mga hindi ko malilimutang karanasan ang tumakbo sa Laoag City, Ilocos Norte 42K Run.


Ang byahe mula Manila papuntang Laoag City ay umaabot sa 12hrs na oras sakay ng bus. Kahit malayo ay nandun yung excitement na nararamdaman ko dahil sa wakas makakapunta  na rin ako sa Ilocos Region. 6:30am umalis ang bus namin sa Manila at 7:30pm na kami nakarating sa Laoag City. Pagdating ay agad akong nagtungo sa munisipyo ng Laoag upang kunin  ang aking racekit at doon ay nagkita na rin kami ni sir.Faivo (sya yung contact person ko sa pag-punta sa Laoag at isa sya sa mga organizer  ng Laoag Marathon 2013) May nakilala rin akong mga runners na taga-Ilocos sila Brian at Ken, sinamahan nila ako humanap ng hotel na matutuluyan, pinakilala din nila ako sa iba pang mga kaibigan nilang runners at isa dito si Jhonley na isa sa mga pinakamabibilis. Masaya akong makilala silang lahat dahil napaka-friendly nila kaya hindi ko naramdaman na solo lang pala akong nagpunta sa Laoag City.



Ang Laoag Marathon 2013 and ika-2nd 42K Run ko, to be honest nandun pa rin ako sa point na hirap akong tumakbo ng 42K Run unlike sa 21K Run na nakasanayan ko na pero gusto ko lang sanayin yung katawan ko sa mga ganung kalalayo. 3:30am nag-umpisa na kaming tumakbo sa first part ng 21K Run ko satisfied pa ako sa takbo ko though madilim yung mga dinadaanan namin so medyo yun yung naging challenged sa akin. 2nd part ng 21K Run ko papuntang sand dunes, doon na ako medyo bumagal hanggang sa point na mas madaming lakad na ako at konting takbo. Doon kasi sa sand dunes may mga part na pa-uphill at downhill eh medyo nahihirapan na yung binti ko at maging ang pag-hinga ko lalo na kapag itinatakbo ko and ayokong masyadong i-pressure ang sarili ko, masyadong napaka-ganda ng tanawin kung bibilisan kong matapos. Kaya naman mas binagalan ko at mas lalo kong na-appreciate ang lugar... Ang ganda talaga! hindi sya common na nakikita ng mga mata ko. Buhangin dito, buhangin doon at buhangin everywhere... disyerto nga!






Napaka-swerte ng Laoag City sa pagkakaroon ng sand dunes na paboritong puntahan ng mga turista at paborito ring kuhanan ng eksena para sa isang pelikula tulad ng Himala, Ang Panday, Temptation Island at marami pang iba. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nakatapak ang aking mga paa sa mga buhangin nito. Very nice ang mga runners na nakasabay ko sa sand dunes, pinipicturan nila ako gamit ang camera ko para daw may souvenir ako. Infairness napaka-dami ring photographer doon kaya marami rin akong kuha doon. Isa din sa gusto ko dun ay yung part na binigyan kami ng ice cream while walking sa beach sa gilid ng sand dunes... feel na feel ko yung ice cream ang init kasi eh.



Sa kabuuan, inabot ang 42K Run ko ng 6hrs 51minutes and 9seconds. Masyadong mabagal diba? pero ang mahalaga sa akin, sobra naman akong nag-enjoy sa takbo ko dito sa Laoag Marathon 2013. Pagdating sa finish line natanggap ko ang 2nd medal ko para sa 42K Run ko at meron pa sanang kasamang 42K finisher shirt kaya lang naubusan na ako pero nangako naman silang ipapadala na lang daw sa address ko pag meron na.




Monday, 18 March 2013

CALIRAYA UPHILL CHALLENGE 2013



                             Mula Sta.Rosa, Laguna ay pinuntahan ko ang bayan ng Lumban, Laguna. Masasabi kong di ako pamilyar sa mga nadaanan ko sapagkat hanggang Los Baños, Laguna pa lang ang napupuntahan ko kaya naman nakatutok talaga ang mata ko sa mga nadaanan ko. Tulad ng Bayan ng Bay, Calauan, Victoria, Pila, Sta. Cruz at Pagsanjan...ayun "enjoy! hehehe" pero nandun yung kaba ko na baka malate ako ng dating dahil medyo ma-traffic na papunta sa palengke ng Lumban.


                             Buti na lang at kahit madami na ang mga tao doon ay medyo nadelay sila ng kaunti dahil may iba pang shuttle na inaantay. for the  month of January ito siguro yung pinakamalaking race event na nasalihan ko dahil maraming taga-malayong lugar ang nagparticipate dito.



                              at around 3pm... nag-umpisa na ang masayang takbuhan namin... masaya kasi... at that moment yun talaga yung nararamdaman ko! ramdam ko na mag-eenjoy ako! kasi madami kami at im looking forward sa mga tanawing makikita ko., and that's the reason why im joining Caliraya Uphill Challenge 2013. Umpisa pa lang ng takbo namin Uphill na agad so nandun agad yung challenge... plus yung sikat ng araw na madaling nagpapawis sa amin.


                              Mga ilang kilometro ng takbo namin ay ito na ang view... Ang napakagandang Laguna De Bay... Ibang-iba sya compare sa view ng Laguna De Bay na nakikita ko kapag nasa Sta.Rosa, Laguna ako. Ang laki pala talaga ng Laguna De Bay.

                              Patuloy pa rin ako sa pag-takbo... so far satisfied ako sa performance ko though hindi naman sya sobrang mabilis pero tuloy-tuloy yung takbo ko, knowing na pa-uphill pa sya which is alam ko naman sobrang hirap ako sa ganoong klaseng ruta. Pero dito KAYA pa naman, nadadala lang siguro ako sa ganda ng mga nakikita kong view.


                               At ang pinaka-aasam kong makita ay ang Man-made lake na pinagmamalaki ng bayan ng Lumban, Laguna... ang Caliraya Lake! Hindi mo aakalaing gawa lamang ito ng tao, ang galing! at ang ganda ng view, lalong mas na-feel ko ang pagtakbo dahil sa malakas na hangin na tumatama sa amin habang tumatakbo, very refreshing!







                                 After ng mahigit 2hrs kong pagtakbo (i think mga 2hrs and 45minutes) ay nakarating ako sa Finish Line. ayiiieh! medyo papadilim pa lang nun. Kaya nakapag-papicture pa ako sa sarili ko sa Finish Line... hay...diko talaga ma-imagine na wala akong camera kapag natakbo, ito kasi yung way ko na habang nagpapahinga ay nagpipicture naman ako to capture beautiful places like Lumban, Laguna in short para remembrance ko at katibayan na nakatakbo nga ako sa isang lugar^_^



                                      Sa Kabuuan, sobrang nag-enjoy ako sa takbong ito! bukod sa magandang tanawin ay nagkaroon pa ako ng bago kong PR ang galing! hehehe...  mas lalo tuloy lumakas ang loob ko na sana by this 2013 ay makasali ako sa Milo Marathon, dun lang muna siguro ako sa 21K. at mag-eensayo ako ng mabuti!



                                 At sa organizer nitong Caliraya Uphill Challenge 2013... ang Caliraya Runners at Run Mania Promotions ay 90/100 ang grade ko sa inyo., dahil sa maayos na pag-organize, sa tubig na malamig! (malaking factors yun sa akin kasi mas nawawala ang pagod ko pagmalamig ang tubig.), sa gatorade, sa singlet at finisher shirt super cool! at sa place super ganda.  Next time lang siguro sana mas mabantayan ang gamit ng mga Runners at sana malakas yung sound system lalo na doon sa mga nagsasalita sa stage bukod doon yun lang po^_^

Friday, 1 February 2013

10K Run @ D.O.T.S Fun Run 2013

Ang una kong takbo para sa Year 2013. Noong December 2012 pa sana itong takbong ito kaya lang dahil sa desisyon ng management ay nilipat nila ito ng ibang araw hanggang sa umabot ng January 2013.





anyway okay lang naman sa akin... Masasabi kong mahirap ang takbong ito sa akin sapagkat 2 weeks na din akong hindi nakakapag-jogging... dala na rin siguro ng pagkakasakit ko, pero masaya naman ako na kahit papaano ay nakarecover na ako.


Wala naman akong gaanong inaasahan sa takbong ito... simple lang sya. kasi nga Fun Run nga lang at sa halagang 300.00pesos ay may singlet na ako at makakatakbo pa ako ng 10K dito sa Munisipyo ng Biñan, Laguna. Madalas na talaga akong dumadaan dito kung saan makikita ang Jubilation isang subdivision ng mga bahay, papunta sa aking trabaho at napansin ko nga na masarap tumakbo dito... kaya yun siguro ang dahilan kaya ako sumali dito.





Nitong mga nakaraang mga araw ay hindi naging maganda ang mga panahon buti na lang ngayon okay ang panahon... At muli nga akong nakabalik sa aking Pagtakbo... kahit medyo hingal ako dahil sa 2 weeks ng di nakakatakbo ay nakakaramdam ako ng kaligayahan every time tutulo na yung mga pawis ko. ang sarap talagang tumakbo at syempre hindi pwedeng mawala ang aking partner... ang camera ko! Hindi ko yata ma-imagine ang sarili ko na walang dalang camera habang tumatakbo... hehehe pasensya na addict lang sa picture!



Pagdating sa finish line ay binigyan kami ng lootbag na may laman na wafer, mineral water, shanghai rolls galing sa Jollibee at Discount sa Jollibee. Sulit ang 300pesos ko! at masaya akong sabihin na nag 1st place sa 10K Run yung nakasabay kong tumakbo sa Sorsogon's 1st Busaingan Run 2012 si kuya... kainis nakalimutan ko yung pangalan nya. hehehe. anyway tingin ko magkikita pa kami sa ibang run. Idol ko yun eh! galing nya., napaka simpleng tao walang yabang sa sarili.^_^



Tulad ng mga iba kong takbo... masaya akong dumating sa finish line. Yun ang pinaka mahalaga sa akin! di bale nang di ako yung nauna, Matagal ko ng alam na mabagal ako! pero ang ma-appreciate ang lugar na aking nadaanan at natakbuhan yun ang pinaka mahalaga sa akin. Ikaw runner ka din ba??? ako nga pala si Nani Wall^_^

Saturday, 26 January 2013

Protege Top6 @ SM Sta.Rosa (Jan 6, 2013)

 Bago ko ito burahin sa Camera ko ay minabuti ko na lang muna na ipost ito dito para naman makita ng mga ibang fans.

excited makita ang mga paborito kong Protege




kasama kong nanunod. katrabaho ko


Ruru Madrid

Si Ruru Madrid siguro yung masasabi kong pinaka sikat sa Protege... sana mabigyan sya ng magagandang project kasi magaling naman syang umarte.  Magaling sya sa kanyang show na PAROA with Barbie Forteza.



Mikoy Morales
Si Mikoy Morales naman magaling gumawa ng kanta at magaling kumanta... sana mabigyan sya ng pagkakataon na makagawa ng sarili nyang Album.

 Si Jeric Gonzales, pang leading man ang dating... sana mabigyan sya ng mga major role sa telebabad.
Jeric Gonzales

Thea Tolentino






Elle Ramirez







Zandra Summer


 Si Elle Ramirez, yung tipong hahakot ng acting award. ang galing nyang umarte... sana mabigyan sya ng magandang project ng GMA







 Si Thea Tolentino naman ang masasabi kong pwedeng maging next Leading Lady. Super ganda nya. ang galing nyang kumanta.

















 Si Zandra Summer maganda rin... pwede syang pang kontra bida... or maging sa comedy...














me with Thea and Elle... kilig!!!

me and Zandra






ang masasabi ko lang sana huwag lang puro mall tour ang ipagawa sa kanila ng GMA... 

Bigyan din sila ng Telebabad/ Afternoon Prime show para naman lalo silang mahasa sa pag-arte... at syempre para mas dumami ang mga humanga sa kanila kasi sa tingin ko malayo ang mararating nila kung bibigyan lang sila ng break!